Miyerkules, Hulyo 31, 2013



naiiyak ako ngayon. akala ko nakamove-on na ko kay 2d. parang hindi parin pala. ayan oh. tumutulo luha ko habang nakikinig ng break even (the script). mabigat yung nararamdaman ko sa dibdib ko. hindi ko mapaliwanag na gusto kong humagulgol na ewan. pero wala namang lumalabas. yung huli ko nalang na naaalala at gustong gustong maalala yung nasa mrt ortigas kami, hinatid nya ko, at nung tumalikod na kami kasi nga goodbye na, wala ng kami, hindi ko alam kung lilingunin ko sya o hindi. bigla nya kong niyakap sa likod. saglit lang yun. ang sakit parin pala. halos anim na buwan na din. sabay kaming nakapasok sa company na nagtratrabaho ako ngayon. pero nag resign sya agad para daw makamove-on ako. 2d..... parang hindi parin eh... hindi parin... ang hirap pag pilit yung pag mu-move-on... lagi ko nalang kinikimkim... ayokong pag usapan ang nangyari.. hindi ko alam.. anu nga kaya? hindi mo na ko binalikan eh... alam mo na yung totoo pero hindi mo pa ko binalikan??? yan ang tanong ko ng paulit ulit pero wala syang maisagot kundi sorry.. parang may nakabara sa lalamunan ko na mabigat.. ang hirap huminga... yung mukha ko nararamdaman ko gusto ng umiyak. yung mata ko walang luhang lumalabas pero ang sama ng loob ko.. manhid ba ko? bat hindi ko mailabas yung mabigat dito?? yung mabigat na nararamdaman ko sa dib dib ko??? yung mabigat na nakabara sa lalamunan ko? para lang akong tanga... kalahating taon na... anu pa ba?? mamamalayan ko nalang isang taon na... ayoko ng nararamdaman ko... 2d... bat mo sya binalikan??? dahil mahal mo sya??? bakit??? bat hindi ko parin matanggap... bakit naiwan na naman ako... laging ako lang yung "want" pero hindi ako yung "need".. ok na ok tayo.. sayo ko naramdaman ang irespeto ngt totoo hindi tulad ng ibang ex ko.. ikaw lang yung hahalik sa noo ko ng ganun... ng ganun yung pakiramdam ko... what am i gonna do? yung picture natin nung valentines... andito parin... 2d... 2d... 2d... 2d... 2d.... 2d..... 2d 2d 2d 2d 2d 2d 2d 2d... bad things happen for a reason?? no... bad things happen because you let it happen.. you are aware about it but chose to take the risk.. bumalik lang talaga sya sa dapat nyang balikan... malaya naman  sya eh.. at ako?? eto late reaction... ilang buwan na... pero bigla ko nalang naramdaman yung lungkot na hindi ko inilalabas.. gusto kong makita ng mga tao na ok lang naman ako.. pag naaalala ko sya bigla at yung mga dati... nagpapakabusy ako agad.. nagkakagusto ako sa iba... crush dito crush don.. pero hindi iba... defense mechanism... niloloko ang sarili... binabaling sa iba ang atensyon na sa kanya naman talaga... akala ko ok na ko.. akala ko nga mas madaling mag move on kung di kami magkatrabaho.. katulad ng sinabi nya.. mas magiging madali ang lahat.. pagkalipas ng ilang buwan.. yung hirap na pinigilan mo at itinago mo bigla kang aatakihin ng patalikod. hindi mo mapipigilan... sasaktan ka ng walang kalaban laban... heart break... lagi kong sinasabi sa iba na kaya ko... sinabihan ko sya dati na wag syang mag resign dahil matagal na nyang gusto yung trabaho na yun.. pero iniwan nya.. hindi ako bumaba ng condo ng pinuntahan nya ko.. kahit gusto ko sana.. pero hindi.. hindi ko alam.. mas mabuti ng umuwi ako dito sa bahay dahil kung andun ako kahit san ako lumingon sya ang maaalala ko... lobby... elevator.. hallway.. unit namin... sa lahat ng parte ng unit namin... roofdeck... fire exit kung san kami nagyoyosi... sumakit ulo ko... makakatulog ba ko agad kung sya naaalala ko??? mahirap...ayoko naman ng maaalala... late reaction lang to.. mamaya wala na to.. alam ko... magiging ok naman ang lahat... gusto ko makamove-on na ko.. unti unti na kong nawawalan ng tiwala sa pag ibig.. pakiramdam ko kalokohan lang ang lahat... sabi nila bata pa ko... makakahanap pa ko.. alam ko naman yun.. at napakanormal na linya ng mga nakatatanda na nakahanap na ng para sa kanila at nag tiis.. ayokong tumaas ng husto ang standards ko dahil baka maging matandang dalaga naman ako... pero hanggang kelan ba ko bata? puro nalang trabaho at wala ng social life.. isang araw makakahanap din ako ng sakin.. gusto kong makahanap ng isa pang ikaw.. normal na pananaw ng lahat ng tao na akala nila perpekto o sapat na sakanila ang isang tao.. hindi ba pwedeng mas higit sayo? nasan na kaya sya? kumusta na kaya sya? masaya kaya sya ngayon? kelan nga ba nagiging masaya ang isang tao? ako? bakit parang ang daming kulang? lagi kong problema ang future.. pano ang bukas... pero parang wala na kong plano sa sarili ko.. yung talagang para sa sarili ko lang??? bakit... bakit ganito... gano ba ko kalungkot? gano ba kataas ang level ng pagiging hindi kontento ang meron sakin?? medyo gumaan na ng konte pakiramdam ko.. bukas wala na to.. ayoko kasi talaga pag usapan... pero kahapon naalala ko ulit sya.. 2d... ingat ka palagi.. sana maging masaya ka.. at sama maging masaya din ako.. sana isang araw magkita ulit tayo.. maliit lang naman ang maynila.. maliit lang ang mundo.. makakamove on din ako.. pag talaga sa pag ibig asahan mong laging may talo at laging may masasaktan.. sumaya ka man may lungkot parin.. sabi nila para balance daw.. pero hindi naman gusto ng lahat ng tao masaktan.. sabi kasama sa buhay.. alam naman nating lahat yun.. alam nating lahat.. ngayon na alam naman natin na hindi maganda sa pakiramdam ang masaktan bakit hindi parin iniiwasan.. katulad ko matigas ang ulo ko.. akala ko ok lang naman at akala ko kaya ko naman.. kaya ko naman yung sakit.. pero pag kinimkim mo pala at bigla mong naalala ang bigat bigat sa pakiramadam.. salamat 2d... miss na din kita... miss na kita... ayoko na... ayoko na... gusto kong dumating yung time na wala na kong nararamdam na pagmamahal saka dadating yung taong mamahalin ako at igagalang at mamahalin ko din sya... sana... sana... sana....